Advertisers

Advertisers

PH FLAG SA ASEAN NAI-DISPLAY NANG PABALIKTAD

0 58

Advertisers

MARAMI ang nagulat nang mai-display nang baligtad ang bandila ng Pilipinas sa ginanap na bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Canadian President Justin Trudeau sa sidelines ng 43rd ASEAN Summit sa Indonesia.

Sa mga larawan mula sa Presidential Photojournalists’ Association (PPA), nasa gawing likuran ni PBBM ang watawat ng Canada habang likuran naman ng Canadian leader ang bandila ng bansa kung saan nasa itaas ang kulay pulang bahagi at nasa ibaba naman ang kulay asul na parte nito.

Batay sa Republic Act (RA) No. 8491 o ang Flag and Heraldic Code of the Philippines, kapag nasa gawing itaas ang kulay pulang bahagi ng bandila ay nangangahulugang nasa giyera ang bansa habang nasa kapayapaan naman kapag nasa itaas ang kulay asul.



Nag-post din ni Pangulong Marcos ng iba pang kaparehong larawan pero tinanggal na ito.

Habang isinusulat ito, wala pang opisyal na pahayag ang Malacañang o kaya’y ang Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil dito.

Matatandaang nangyari na rin ang mga katulad na insidente sa mga nakaraang administrasyon. (Gilbert Perdez)