Advertisers

Advertisers

P350K droga nakuha sa 2 tulak sa Malabon

0 64

Advertisers

NASA mahigit P.3 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang bagong identified drug pushers nang kumagat sa ikinasang buy bust operation sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naaresto na sina Allan Gapate alyas Putol, 33, (HVI) ng Blk 10 Lot 51 Phase 2 Area 3, Brgy. Longos; at Clyde Drexler Nunag alyas Drex, 27, delivery rider ng Nepomuceno St., Velazques, Tondo Manila.

Sa ulat ni Col. Baybayan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Malabon police hinggil sa umano’y pagbebenta ng shabu ni Gapate sa lungsod kaya isinailalim nila ito sa validation.



Naaresto ang mga suspek sa Dulong Proper Borromeo St., Brgy. Longos, 11:00 ng gabi.
Ani Col. Baybayan, nasamsam sa mga suspek humigi’t kumulang P354,280.00 halaga ng shabu.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Beth Samson)