Advertisers
BANGKAY na at walang saplot pang-ibaba nang matagpuan ang isang pitong taon gulang na estudyante nang halayin at pukpukin ng matigas na bagay sa ulo sa Cotabato.
Sa ulat, natagpuan ang katawan ng biktimang Grade 2 student sa isang palayan sa Barangay New Pandan sa bayan ng Matalam sa unang araw ng balik-eskuwela noong nakaraang linggo.
Ayon sa report, ipinasuyo ng ama ng bata na ihatid sa paaralan ang kaniyang anak sa 21-anyos na lalaking si alyas “John” na kaniyang kakilala, ngunit hindi na nakapasok ang bata.
Dinakip na si alyas “John” na nahaharap sa kasong ‘rape with homicide’.
Paalala ng pulisya: Huwag ipagkatiwala ang anak sa mga taong hindi lubos na kakilala.