Advertisers
PATAY ang 20-anyos na umano’y dating kalaro sa basketball ng naunang pinaslang na si Jemboy Baltazar nang paulanan ng bala ng hindi pa nakikilalang salarin sa Malabon City.
Kinilala ang biktina na si Daniel Gaudia Soria.
Sa ulat, pinagbabaril si Soria sa Lapu-Lapu Avenue, Barangay Longos, Malabon City gabi ng Setyembre 2, isang buwan matapos mapatay ng mga pulis si Jemboy.
Napag-alamang si Soria ang tunay na target nang gabing mapatay si Jemboy.
Galing sa inuman si Soria na natagpuang may tama ng bala sa kamay, tanda na dinedepensahan nito ang sarili.
Sinasabing binaril si Soria pagbaba sa tricycle sa Longos at tinamaan sa binti at nakatakbo pa hangang sa malugmok sa kalsada kungsaan binaril pa siya ng anim na beses ng salarin.
Tinangay ng salarin ang telepono ni Soria at ginamit pang-text sa kinakasama nito na patay na ang una at hindi pa ito narerekober.
Samantala, ayon sa pinsan ni Soria, may katagpong babae ang biktima, nguni’t hindi nagkita, at kausap pa ito ng huli hanggang nang matapos ang kanilang usapan, isang motorsiklong may lulang armadong lalaki ang huminto at pinagbabaril sila. Napuruhan si Soria habang nakaligtas ang pinsan nito.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya.