Advertisers
IGINIIT ni Senador Christopher “Bong” Go na malaki ang kanyang tiwala na maipapatupad ni Vice President Sara Duterte ang mga programa ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) nang hindi nasasayang ang anumang pondo ng taumbayan.
“Sa kabila ng samu’t saring usapan hinggil sa confidential funds, ang importante ay magamit ito sa tama,” punto ni Go.
Naniniwala ang senador na may integridad si Duterte na gastusin ang pondo sa tamang paraan.
Dagdag pa ni Go, ito ang dahilan kung bakit suportado niya ang kanilang proposed budget sa deliberasyon sa Senado noong nakaraang linggo.
“Malaki ang tiwala ko sa ating Bise Presidente Sara Duterte sa kanyang integridad at kakayahan na maimplementa ang mga programa ng OVP at DepEd, at masigurong hindi masasayang ang pondo ng bayan,” sabi ni Go.
“Ito ang dahilan kung bakit ako sumuporta sa kanilang proposed budget noong nakaraang deliberations sa Senado. Ang mahalaga ay mapakinabangan ng taumbayan ang pondong inilaan sa tamang paraan,” diin ni Go.
“Ang mahalaga ay mapakinabangan ng taumbayan ang pondong inilaan sa tamang paraan,” banggit pa niya.
Si Go ay dating special aide ni dating pangulong Rodrigo Duterte, ang ama ni Vice President Duterte.
Matatandaang kinuwestiyun ng minorya sa Senado na ilegal at labag sa Konstitusyon ang paglilipat ng pondo mula sa Office of the President (OP) sa OVP. (Mylene Alfonso)