Advertisers
Bahagi sa pagpapaigting ng seguridad sa pagkain ay hinihikayat ni SENATOR FRANCIS “TOL” TOLENTINO ang DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHNOLOGY (DOST) na palakasin ang pagpaparami o magpagawa ng mga TAMBAN FISH HATCHERY.., isang uri ito ng isdang ginagamit sa delatang sardinas na siyang karaniwang pagkain ng mga Pinoy.
Ipinunto ni SEN. TOLENTINO kamakailan sa ginanap na BUDGET BRIEFING ng DOST sa Senado na dapat ay maidagdag ang produksiyon o pagpaparami ng TAMBAN para sa FOOD SECURITY PROGRAMS ng ating gobyerno.
“You have 438 ongoing projects for food security. Perhaps, you would agree with me that tamban upgrading of production is part of food security,” giit ni TOLENTINO sa mga opisyales ng DOST.
Inihayag din ni SEN. TOLENTINO na dapat aniyang palawigin ng DOST ang BALIK SCIENTIST PROGRAM para sa pagsasagawa ng mga pananaliksik tungkol sa agrikultura at seguridad sa pagkain ng sambayanan.
Aniya, ang mga FILIPINO SCIENTIST ay makatutulong para sa pagbuo ng TAMBAN FISH HATCHERY, paggawa ng VACCINE laban sa AFRICAN SWINE FEVER (ASF), at pagpaparami sa ani ng bigas at asukal sa ating bansa.
Sa pamamagitan ng BALIK SCIENTIST PROGRAM ay mayroong 625 na mga FILIPINO SCIENTIST na ang bumalik sa ating bansa para magsilbi sa kapakanan ng ating sambayanan nang pansamantala at ang ilang SCIENTIST ay mamamalagi na sa ating bansa…, na mayroong 29 porsiyento sa mga ito ang tumutulong para sa pag-aaral sa agrikultura at seguridad sa pagkain ayon sa DOST.
Naihayag din ni SEN. TOLENTINO na maaaring maging halimbawa ng DOST ang pagkultura ng DAGUPAN at PANGASINAN sa BANGUS FINGERLINGS na mula sa ILOILO.
“Dapat mabigyan natin ng muscle ang food security dahil problem natin ito for 30 years,” pagpupunto ni TOLENTINO na aniya ay delata ang pagkain ng Pilipino lalo na kapag bagyo na ipinamamahagi sa RELIEF OPERATIONS.
Oo nga naman mga ka-ARYA.., sa tuwing nagkakaroon ng mga kalamidad tulad sa mga pagbaha, bagyo, lindol at pagkakasunog ay mga delatang pagkain ang ipinamamahagi sa mga naaapektuhan.., at maging sa mga outdoor event tulad halimbawa ay ang mountaineering o excursion ng pamilya o ng magkakaibigan ay siguradong kabilang sa kanilang mga bagahe ang delatang pagkain.
Dapat lamang na mapagtuunan ng DOST ang panghihikayat ni SEN. TOLENTINO na mapalakas ang pagpaparami ng TAMBAN FISH HATCHERY sa ating bansa.., na ito ay makapag-aambag pa sa ating ekonomiya kapag ang CANNED GOODS MANUFACTURERS sa ating bansa ang maging number 1 exporter ng mga delatang pagkain.
Bukod diyan, kapag dumami ang produksiyon ng ISDANG TAMBAN ay tiyak na magagawa na ng mga MANUFACTURER na mapababa ang presyo ng mga delata.., mapapagaan na ang gastos sa pagbili ng sardinas na magiging pabor sa mga karaniwang mamamayan!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.