Advertisers

Advertisers

Ama nambugbog, pumatay sa anak arestado

0 85

Advertisers

HAWAK na ng pulisya ang padre de pamilya na nambugbog ng menor de edad na anak nang mahulihan ng baril na walang lisensya sa Tondo, Maynila.

Sa ulat na isinumite ng Don Bosco Police Community Precinct (PCP) kay Lt. Col. Roberto Mupas, commander ng MPD-Raxabago Police Station 1, 6:45 ng gabi nang maispatan at makorner ng mga pulis si Carlo Danni Lloren, 32, helper.

Nakitaan si Lloren ng kalibre .38 na baril sa panulukan ng Carlos P. Garcia at Pacheco Streets, Barangay 116 sa Tondo.



Naaresto si Lloren habang nagpapatrolya ang mga operatiba kaugnay sa laganap na holdapan sa lugar. (Jocelyn Domenden)