Advertisers
ITINUMBA ng mga hindi pa tukoy na gunmen ang isang barangay kagawad nitong Sabado, Setyembre 16.
Kinilala ni Lt. Colonel Armando Liwan, Datu Piang Police chief, ang biktima na si Leonardo de Jesus Jr., 59 anyos, incumbent barangay kagawad ng Poblacion, at hindi kumakandidato para sa eleksyon sa Oktubre 30.
Sa ulat, nakaupo ang biktima sa harapan ng kanyang silver Toyota Innova na minamaneho ng kanyang anak nang tambangan ng riding in tandem sa Barangay Kanguan 4:00 ng hapon.
Nasawi si De Jesus habang ginagamot sa ospital.
Naniniwala ang mga imbestigador na walang kaugnayan sa paparating na barangay elections ang pananambang sa biktima. (Mark Obleada)