Advertisers
LABIS na kasiyahan ang naramdaman ni First Lady Liza Araneta Marcos nang makasama ang Filipino community sa Singapore sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng kanyang maybahay sa naturang bansa.
Naging mainit ang kanilang pagbisita sa Lucky Plaza Mall dakong tanghali upang batiin ang overseas Filipinos na karaniwang nagtitipon-tipon sa mall para sa mga Pinoy sa Orchard Road sa Singapore.
“It warms my heart to be with our fellow countrymen in Singapore,” pahayag ni Araneta-Marcos sa isang post sa Instagram.
Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng Malacañang na hindi mapigilan ng overseas Filipinos na nakaharap ng Pangulo ang kanilang pananabik nang makita ang chief executive at labis ang kanilang pasasalamat at binisita sila ng Pangulo.
“We are very happy because we personally saw our President,” pahayag ng isang overseas Filipino worker (OFW).
Inihayag din nila ang kanilang patuloy na suporta sa administrasyong Marcos dahil labis silang nasisiyahan sa mga kasalukuyang kaganapan at pagbabago sa Pilipinas.
“We hope that the progress in the Philippines continues. We’re happy with the changes in the Philippines,” sabi ng isa pang OFW.
“Good luck and always take care. We’re hoping that our country becomes a very successful nation,” sabi ng isa pang OFW nang hingan ng mensahe para sa Pangulo.
“I love BBM so much,” dagdag ng isa
pang OFW.
Si Presidente Marcos ay laging bumibisita sa Filipino communities ss tuwing bibiyahe siya sa ibang bansa.
Nagpapasalamat naman ang mga OFW dahil hindi sila nakalilimutan ng Pangulo.
“It’s overwhelming… because you don’t normally get to encounter the President, right? So, it’s a very fortunate opportunity to see him up close, to touch him. It’s a privilege,” pahayag ng isang OFW.
“Good health and more wisdom so that he can boost our economy, and we have trust in the government. Thank you!” ayon naman sa isa pang OFW.
Si Pangulong Marcos ay inimbitahang magsalita sa Milken Institute’s Asia Summit sa Singapore sa kanyang ika-66 kaarawan, birthday, kung saan tinalakay niya sa top business at economic managers ang mahahalagang polisiya at inisyatibo.
Sa kanyang pagbisita sa Singapore ay nakipagpulong ang Pangulo sa mga kinatawan ng GMR ng India, at nagpahayag sila ng interes sa pagpondo sa airports, highways, at energy projects sa Pilipinas.
Nangako rin ang Dyson multinational technology business ng Singapore na mag-iinvest ng P11 billion sa Pilipinas sa susunod na dalawang taon.
Kinokonsidera naman ng Malaysian retail expert Valiram Group na palakasin ang operasyon sa Pilipinas sa pagtatayo ng airport shops para sa duty-free shopping tourism.