Advertisers

Advertisers

18 priority bills lusot na sa Kamara

0 9

Advertisers

PINAL na inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara de Representantes ang 18 mula sa 20 priority measures na nakatakda sanang aprubahan ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) sa darating na Disyembre ngayong taon.

Nauna nang sinabi ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, na nakahanay sanang aprubahan bago matapos ngayong buwan ng Setyembre o hanggang Disyembre ang 20 priority bills bilang commitment date na kapwa itinakda ng Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso sa nakalipas na LEDAC meeting nitong Hulyo 5.

Ito ang pagmamalaking iniulat ni Romualdez na kanyang ipiniresenta kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ginanap na full council meeting sa Malacanang Palace kahapon ng umaga.



Kabilang sa mga inaprubahan mula sa 20 priority measures ang mga sumusunod: 1. Amendment to the Build-Operate-Transfer (BOT)/Public-Private Partnership (PPP) Act, 2. National Disease Prevention Management Authority or Center for Disease Control and Prevention, 3.Internet Transaction Act/ E-Commerce Law, 4. Health Emergency Auxiliary Reinforcement Team (HEART) Act, 5. Virology Institute of the Philippines, 6. Instituting a National Citizens Service Training (NCST) Program, 7. Valuation Reform Bill (Package 3), 8.E-Governance Act/ E-Government Act, 9.Ease of Paying Taxes, 10. Waste-to-Energy Bill, 11. New Philippine Passport Act, 12.Magna Carta of Seafarers, 13. Rightsizing the National Government, 14. Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA), and 15. Amendment to the Bank Secrecy Law.

Bukod pa rito ang enrolled bill na “Trabaho Para sa Bayan” (National Employment Recovery Strategy) ay kasalukuyang naiparating na sa Malacanang para naman sa gagawing aksyon dito ng Pangulo, habang nakatakda namang isunod ang isa pang enrolled bill tulad ng Automatic Income Classification Act for Local Government Units.

Sa kabilang dako, ang panukalang Philippine Salt Industry Development Act ay sumasailalim na sa deliberasyon ng bicameral conference committee, na s’yang naghatid bilang pang labing walo para sa kabuuan ng nasabing priority measures na inaprubahan ng Kongreso mula sa 20 LEDAC bills na nakatakda sanang ipasa ngayong taon.

Ang dalawang nalalabing LEDAC measures ang HB 8969, o ang Military and Uniformed Personnel Pension System Act, ay inaprubahan na sa ikalawang pagbasa na ginanap na plenary session nitong Martes ay nakatakdang aprubahan sa ikatlo at pinal na pagbasa sa susunod na linggo. (Henry Padilla)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">