Advertisers

Advertisers

Magulang na sangkot sa human trafficking tutugisin

0 2

Advertisers

MANANAGOT sa batas ang mga magulang na pinapain ang mismong mga anak sa human trafficking.

Ito ang ibinabala ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing kasunod ng pinag-uusapang kulto sa Surigao del Norte kungsaan may mga batang pinagsama-sama sa isang isolated na lugar.

Ayon kay Department of Justice Usec. Nicholas Felix Ty, hahabulin ng pamahalaan at kakasuhan ang mga magulang o kaanak na nag-e-exploit ng sariling kapamilya lalo na ang menor de edad.



Walang lusot o takas sa batas ang sinuman na inaakalang hindi sila mahuhuli ng mga awtoridad dahil hindi nagre-report ang mga biktima.

Sinabi ni Ty na kadalasan ay mga kapitbahay na nakakaalam at nagsusumbong ng mga krimen na nagaganap sa kanilang paligid.

Sa panig ng mga bata, sinabi ng opisyal na may long-term effect o trauma sa mga paslit ang exploitation o sapilitang pagpapagawa sa kanila ng hindi nila gusto, bagay na hindi palalagpasin ng batas. (Gilbert Perdez)