Advertisers

Advertisers

6 REBELDE TODAS SA BAKBAKAN SA NEGROS

0 6

Advertisers

ANIM na miyembro ng New People Army (NPA) ang nasawi sa engkwentro sa pagitan ng military at rebelde sa Kabankalan City, Negro Occidental nitong Huwebes.

Kinilala ang mga nasawing rebelde sa mga alias na Bravo na siyang squad lider, asawa nito si alias Diane, alias Goring o Rico, alias Recoy na vice squad lider, at alias Brendo.

Ayon kay Lt. General Benedict Arevalo, commander ng Visayas Command, 7:50 ng gabi nang makaengkwentro ng mga elemento ng 47th Infantry Battalion ang ‘di batid na bilang mga rebelde mula sa South West Front (SWF) sa ilalim ng Komiteng Rehiyon Negros, Cebu, Bohol, and Siquijor (KR NCBS) sa Barangay Tabugon, Kabankalan City, Negros Occidental.



Naglunsad ng operation ang military nang makatanggap ng report mula sa komunidad kaugnay ng pag-iikot ng mga armadong grupo na nagsasagawa ng extortion sa lugar.

Sa pagpapatrulya, nasabat ng mga sundalo ang mga rebelde at nagsimula ang palitan ng putok nang magkabilang panig.

Sa isinagawang clearing operation ng mga sundalo, nakita ang labi ng anim na rebelde, 4 na caliber .45 pistol, 1 cal 38 pistol, 1 granada, 8 mobile phones at mga personal na kagamitan.

Ang labi ng mga rebelde ay ibinigay sa Local Government Unit (LGU) para sa pagkakakinalan ng mga ito at pagbibigay ng disente libing.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">