Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA guesting ni Bayani Agbayani sa show ni Korina Sanchez na Korina Interviews, nagbalik-tanaw siya sa mga hirap na dinanas noong kanyang kabataan.
Kuwento ni Bayani, talagang naghihikahos sila noon sa buhay, at madalas ay wala silang makain at wala ring permanenteng tirahan.
“Para ngang mahirap pa kami sa daga noon, e. Kasi wala kaming bahay.
“Wala kaming regular na oras ng pagkain. Minsan, nagtatanghalian kami 3, 4 p.m., ganu’n kalala,” pagbabahagi ni Bayani.
Sey pa ng komedyante at TV host, dumating din ‘yung panahon na halos wala nang gustong magpautang sa kanila dahil kalat na sa lugar nila na wala silang ipambabayad.
“Tapos, nangupahan kami. Sa Malabon, nangupahan kami. Every year, umiiba kami ng bahay.
“Kasi every year, may law na pwedeng magdagdag ‘yung landlady, ‘yung landlord. Halimbawa, umupa kami sa P300. Tapos, next year P350 na. Lilipat si Nanay sa P250,” pagbabalik-tanaw pa ni Bayani.
Ayon pa kay Bayani, halos nalibot na raw ng pamilya nila ang Malabon dahil nga palipat-lipat sila ng bahay every year.
Pero look at him now, nakaririwasa na sa buhay si Bayani. Isa nga siya sa mga komedyanteng hindi nawawalan ng mga proyekto, kaya naman tuluy-tuloy ang pasok sa kanya ng pera.
***
SA radio program ni Crisry Fermin na Cristy Perminute, napag-usapan nila ng kanyang co-host na si Romel Chika ang naging pahayag ni Sharon Cuneta sa nagdaan niyang mediacon, kung saan sinabi niyang “I don’t play favorites” sa kanyang mga anak.
May mga chika kasing kumakalat na mas paborito ng Megastar ang panganay kay dating Sen. Kiko Pangilinan na si Frankie, kesa sa anak nila ni Gabby Concepcion na si KC Concepcion.
Sabi ni Cristy,”Nagpaliwanag siya, pero ‘yung paliwanag parang kapos. Parang sa kanya bumalandra.
“Ako’y naniniwala na ang bawat ina talaga ay nagmamahal sa lahat ng anak. Totoo ‘yun. Pero ito, hindi po maaaring ipagkaila ng maraming magulang na nakatutok sa atin ngayon, may mga pagkakataon po na meron tayong tinititigan at tinitignan lang,”
Dagdag pa niya, “Meron tayong nabibigyan talaga ng sapat na atensyon at ‘yung iba kapag nagkukuwento, nagbubutong pakwan tayo… Alam ko mahal niya si KC. Alam ko ‘yun. Walang diskusyon na maaaring mamagitan sa amin kaya lang hindi po lahat sasang-ayon sa katwiran na mahal niya ang kanyang mga anak at mas malapit lang talaga siya kay Kakie,” sey ni Cristy.
Nabanggit din ni Cristy na maski siya ay nakita niya kung paano pinalaki at inalagaan ni Sharon si KC na bitbit pa niya noon sa tuwing may taping siya at tumulong din ang kanyang ina sa pagpapalaki sa apo.
Dito nga ay binanggit niya ang pag-unfollow ni KC sa asawa ni Sharon na si Kiko pati na rin kay Kakie.
“Alam mo, ‘yang unfollow unfollow issue na yan, kitang-kita naman talaga na kinakampihan ni Sharon ang kanyang asawa at mga anak. Hay nako, bingi at bulag na lang ang hindi makakaisip ng ganun, diba?
“Talaga naman eh. Kamping kampi naman talaga siya kay Kakie, kasi ang paliwanag niya sila ang magkasundo, diba? Manang-mana sa kanya,” sey pa ni Cristy.