Advertisers
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang simultaneous launching ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair o BPSF sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ito ang pinakamalaking service caravan na layuning makapagbigay ng major government services sa mga mahihirap o underprivileged na mga Pilipino.
Maliban sa event sa Nabua, Camarines Sur na dinaluhan ni PBBM nitong Sabado, Setyembre 23, nagkaroon din ng paglulunsad ng kaparehong programa sa Laoag, Ilocos Norte sa Luzon; Tolosa, Leyte sa Visayas; at Monkayo, Davao de Oro sa Mindanao.
Sa nasabing programa, maaaring ma-avail ng mga benepisyaryo ang medical, financial, at educational assistance.
Ibinida naman ng Pangulo na isa lamang ito sa mga unang hakbangin ng pamahalaan upang magkaroon ng bagong pag-asa at bagong simula ang mga Pinoy. (Gilbert Perdez)