Advertisers

Advertisers

BAKUNAWA

0 9

Advertisers

“CONFIDENTIAL funds? Parang ganito yan, kumuha ka ng katiwala na pasahuran. Nagbigay ka ng budget sa kanya para ng mga pangangailangan sa iyong bahay. At noong tanungin mo kung ano ang mga binili sa perang ibinigay mo, sasabihin sa iyo na wala kang pakialam at hindi mo na dapat malaman kung saan niya ginastos ang pera mo…” Ito ang paliwanag ni Bayang Magiliw, netizen at kritiko tungkol sa panibagong kontrobersiya na bumabalot kay Sara Duterte, at sa Office of the Vice-President. Didiretsahin ko na kayo. Ang bise-presidente ay kawani ng pamahalaan, na pinasusuweldo ng buwis. Hindi siya naiiba sa atin. Hindi siya espesyal. Ang pinakamalala niyang ugaling maaskad at mga sagot na pabalbal, lalo na sa bumabatikos sa kanya ay patunay na hindi siya karapat-dapat na mahalal muli.

Dito ipinakita niya ang pag-aasta niyang parang bakunawa na, ayon sa alamat, isang nilalang na nilalaug ang buwan tuwing may eklípse. Nakakatakot dahil nakikita natin, na parang bakunawa, wala itong kabusugan. At sa kaalaman ng marami, sampu ng inyong abang-lingkod, nabili nila ang kaluluwa ng ilan sa COMELEC. Ibig sabihin, kumbaga sa basketbol, balak ng mga Marcos at Duterte magsagawa ng “round robin” sa pamunuhan. Ibig sabihin naghahanda ang mga Marcos at Duterte sa isang “all-you-can-eat unli-laug.

Kapag nangyari yan hindi na maaalis sa puwesto ang mga ito. Paiikutin lang nila ang kapangyarihan sa pagitan ng kanilang pamilya. Katulad ng sinabi ni Rep. Raoul Manuel ng Kabataan Party List, trabaho nila ang magtanong. Bilang mamamayan, kapag may napuna na taliwas, trabaho din natin ang magreklamo. Trabaho din natin bilang mamamayan ang maging maagap at, mag-ingay, upang bugawin ang bakunawa, upang hindi maloko ng mga mapagsamantalang katulad ng mga Marcos, mga Duterte, sampu ng kanilang kasapakat. Mukhang nagbabadiya ang panganib na baguhin nila ang kasaysayan. Huwag tayo pumayag. Maging maingay nang mabugaw natin ang mga pulitikong bakunawa. Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian.



***

Napatunayan ng Ombudsman na may sala sa “red-tagging” ang dalawang Ehekutibo nilang si Lorraine Badoy at Heneral Antonio Parlade Jr. Ng NTF-ECLAC. Diretsahin ko kayo. Ang pag “red-tag” ay patang nagpinta ka ng bulleye sa likod ng sinumang napupusuhan nilang i-“red-tag”. Walang pagkakaiba ito sa pag “tokhang”. Bukod sa pag-punterya sa taong ni-“red-tag,” inaalisan mo siya ng karapatan na maging normal ang buhay niya dahil lagi siyang naka-antabay at nakatingin sa likod niya.

***

Mga Harbat Sa Lambat: “Hindi natin trabaho ang sakolohin ang OP at OVP sa kahihiyaan . Bilang mambabatas, trabaho natin ang magtanong. Kaya nga tayo ‘checks and balances’ eh, kaya may separation of of powers, at bilang mambabatas, trabaho namin ang magtanong…” – Raoul Manuel, KABATAAN Partylist

“It is our responsibility as civil servants to say if a policy is flawed. It is very dangerous to to just say ‘yes’ because we don’t want to offend the ‘boss.’ Policies have real consequences on people’s lives. They have to be well thought out…” – Cielo Magno, dating Usec, Kagawaran ng Pananalapi



” Kung meron mang ‘amusing’, yan ay yung halos kalahating oras na turo-turo, pag-iwas sa tanong, paikot-ikot na sagot, at pagbabaluktot ng situwasyon. Ginawa nilang perya ang basic na proseso ng pag pagbusisi sa pera ng bayan…” – Senador Risa Hontiveros

“Yang PharmAnomaly, very simple naman pinatatagal pa. Sina Lao, Ong et al, friends ni Michael Yang at Bong Go. Sina Bong Go at Michael Yang, very close kay ano… Just connect the DUTS at alam na kung sino ang mastermind!…” – Maris Hidalgo, netisen, kritiko

***

Jok Taym c/o Weng Canlas:

Sa harap ng nursery window:

FRIEND: Pare, Pare pag laki ng anak mo I am sure magaling mag drive…

DAD: Bakit Pare, malaki ba ang kamay?…

FRIEND: Hinde, kasi kamukha siya ng driver niyo…

***

Supalpal Moment:

Joey De Leon: “Explain before you complain.”

Gibson Bourne: “We complain, because someone refuses to explain…”

***

Wika-alamin:

PASIMADA: Sangkap na ginagamit na panlinis ng ngipin o TOOTHPASTE. Kapag ginamit sa pananalita: Ang Colgate ay isa sa pinakatanyag na tatak ng mga pasimada