Advertisers

Advertisers

BFP tumanggap ng unmodified opinion mula sa COA

0 12

Advertisers

ANG Bureau of Fire Protection (BFP) ay tumanggap ng isang unmodified opinion mula sa Commission on Audit (COA) sa kauna unahang pagkakataon sa fiscal year ng 2022 at nakakuha ito ng perfect score na 20.

Nabatid sa COA ang ipinalabas na report ay batay Financial Management Performance Rating based on the financial audit performed nitong period na  2022 na report  ni Michael R. Bacani Director Cluster 4, Defense and Security.



Batay sa report ng COA tumanggap ang BFP ng 93 percent score na may equivalent  rating ng excellent score mula sa kauna unahang pagkakataon ng Financial Performance Rating report.

Nauna rito magugunitang pinaboran ng COA ang aksyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) kaugnay na dapat magkaroon ng modernization program ang BFP upang makaagapay sa makabagong panahon.

Ayon pa sa  COA report walang mali sa ginawang aksyon ng BFP sa paglalagay ng teknikal na requirements na kailangan makasabay ang Bureau of Fire sa makabagong pamamaraan at modernization program ng BFP.

Samantala sinabi pa sa COA report ng Financial Management Performance Rating ang BFP ay nakakuha ng excellent rating nitong nakalipas na period ng 2022.

Kaugnay nito ayon pa sa ulat ng COA nitong nakalipas na 2010  ang BFP  ay naglunsad ng kanilang Modernization Program alinsunod sa Comprehensive  Fire Code  of 2008 ng pamahalaan upang makaagapay sa makabagong panahon ang bureau of fire kung sakaling magkaroon ng sunog.

Sinabi pa sa ulat na ang pangunahing adhikain ay upang mag-upgrade ang gobyerno para sa firefighting capability  nito na may sapat na personnel at may sapat  na kaukulang equipment ng pamatay sunog  upang maprotektahan ang mga tao sa mapanganib na sunog.



Nabatid pa sa COA report na ang kabuuang pondo ng Modernization Program ay nagkakahalaga ng  P13.17  Bilyon  mula sa taong 2011 hanggang  2017.

Nauna rito  nitong nakalipas na 2019 inihain ni Senador Bong Go ang panukalang batas sa Senado na nag-aatas sa BFP na i-implementa ng modernization program ng Bureau of Fire Protection .

Ayon pa sa COA report na walang mali sa technical requirement sa mga inilagay na requirements para sa modernization program  dahil nakaayon ito sa sa  COA report sa performance audit ng COA.

Naniniwala rin ang Komisyon na dapat palakasin ng pamahalaan ang ginagawang kampanya nito hinggil sa pagsugpo sa mga sunog kasabay ng isinasagawang modernization program nito.  (Boy Celario)