Advertisers

Advertisers

ENSAYO CREATIVE HUB, NAGLALAYONG PALAKASIN ANG PHILIPPINE CREATIVE INDUSTRY

0 25

Advertisers

NAGING matagumpay ang paglulunsad ng Ensayo Creative Hub ng Philippine Trade Training Center (PTTC) -Global MSME Academy, Department of Trade and Industry (DTI) sa Pasay City na ang layunin ay matulungan at makilala ang mga nasa creative sector ng bansa sa International community

Ang Ensayo Creative hub ay isang transformative initiative na naglalayong palakasin ang Philippine creative industry capabilities at global competitives, alinsunod sa Philippine Creative Industries Development Act (PCIDA) na naging batas noong 28 July 2022.

Ito ay naglalayong itaguyod ang mga layunin ng pagprotekta at pagpapalakas ng mga karapatan at kakayahan ng iba’t ibang stakeholder sa loob ng creative sector. Ang mga talento at gawa ng malikhaing Pilipino ay higit na nakikilala, kapwa sa lokal at internasyonal na paggawa.



Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual, ang mga talento ng mga pinoy ay nararapat na mabigyan pansin at suportahan ang mga ito sa larangan ng malikhaing industriya. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng supportive enviroment, pag-access sa mga resources at mga oportunidad para sa paglago.

Ang hub ay nag-aambag sa pagsasakatuparan ng mandato ng PCIDA-upang linangin ang isang matatag at maunlad na malikhaing industriya sa Pilipinas.

Naninindigan ang Ensayo Creative Hub bilang isang testamento sa pangako ng Pilipinas na pangalagaan at bigyang kapangyarihan ang malikhaing industriya nito, bilang bahagi ng pangmatagalang pananaw ng “Training for Nation Building”.

Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, nakahanda ang bansa na i-unlock ang buong potensyal ng mga malikhaing talento at pagandahin ang kanilang presensya sa buong mundo, pagyamanin ang kultura at ekonomiya nito. (JOJO SADIWA)