Advertisers
Walang katotohanan at “fake news” daw ang isinisiwalat ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa media hinggil sa paggamit sa mga government projects ng mga “rock netting at studs” para sa mga slope protection sa gilid ng mga bundok para maiwasan ang mga landslides.
Ayon kay Sagip partylist Rep. Rodante Marcoleta, pag-upo raw ng Marcos Administration ipinagbawal na ang paggamit ng mga “rock netting at studs” sa mga gilid ng bundok.
“Ang Congress nga ang nag-initiate para ipagbawal na ang paggamit ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng mga “rock netting at studs” dahil hindi matibay at sayang lang ang pera ng bayan”, ayon kay Cong. Marcoleta.
Aniya, “fake news ang pinagsasabi ni Magalong dahil itinigil na ‘yan ng DPWH since last year.”
Dagdag pa niya, “baka ‘yan pa rin ang ginagamit ni Mayor Magalong sa mga slope protection n’ya sa kanyang nasasakupan”?
Ang “rock netting” ay ang paglalagay lang ng net o trapal sa gilid ng bundok para hindi ito gumuho habang ang mga “studs” naman ay mga bakal na kahalintulad din ang silbi.
Ang “rock netting” at paglalagay ng “studs” sa mga gilid ng bundok ay nauso noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino hanggang kay dating Pangulong Digong Duterte.
Ayon kasi kay Magalong ang “rock netting at studs” ay walang silbi para pigilan ang pagguho ng bundok.
Dagdag pa ng Baguio Mayor ito raw ang source ng korapsyon ng mga pulitiko dahil malaki ang kickback nila.
“Wala ng gumagamit ng rock netting at studs ngayon Mayor… bago mo pa isiwalat ito noong nakaraang buwan”, ani Marcoleta.
Samantala, pinasalamatan naman ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez si DPWH Sec. Manuel Bonoan dahil sa pagpapalabas ng isang Department Order kamakailan na nagpapaalala sa lahat ng DPWH Regional Directors at District Engeineers ang pagbabawal na sa paggamit ng mga net o trapal at mga bakal sa mga gilid ng bundok.