Advertisers

Advertisers

2 sangkot sa online prostitution timbog; 6 menor de edad nasagip

0 8

Advertisers

INARESTO ng National Bureau of Investigation-Anti-Violence Against Women and Children Division (NBI-AVAWCD) ang dalawang indibidwal dahil sa seksuwal na pagsasamantala sa mga menor de edad online.

Kinilala ang mga naaresto na sina Lynette Cruz at Patuloy Dela Cruz.
Mula sa Homeland Security Investigation Manila, ang NBI -AVAWCD ay nakatanggap ng impormasyon tungkol sa facilitator sa Pilipinas na nagpapadala ng mga malalaswang larawan at videos ng mga menor de edad sa United States.

Agad nagsagawa ng entrapment operation ang NBI-AVAWCD, sa bisa ng warrant Search, Seize and Examine Computer Data (WSSECD), nagresulta ng pagkakaaresto sa mga suspek.
Katuwang ng NBI-AVAWCD sa operasyon ang NBI-Counter-Terrorism Division (NBI-CTD), NBI-Cybercrime Division (NBI-CCD), at Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT).



Na-rescue ang anim na menor de edad at kinumpiska ang mga ginagamit ng mga suspek sa aktibidad .
Nahaharap sa kaukulang mga kaso mga suspek.(Jocelyn Domenden)