Advertisers

Advertisers

Vendor maingay ang tambutso ng trike pinagbabaril ng ka-barangay

0 8

Advertisers

BUMULAGTA sa gitna ng kalsada ang isang tindero ng prutas nang pagbabarilin sa Tiaong, Quezon.
Kinilala ang biktima na Christopher Magbayao, 47 anyos, na tinambangan sa Barangay Lalig.

Nabatid na maghahatid ng panindang rambutan ang biktima nang pagbabarilin sa ulo at katawan ng salarin na si Ryan dela Rosa.

Natukoy si dela Rosa nang mahagip ng CCTV camera habang sakay ng motorsiklo nang pagbabarilin ang biktima.



Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na magkabarangay ang dalawa at matagal nang naiinis ang salarin sa biktima dahil sa maingay nitong tricycle.

“Habang nag-iinuman po ‘yung ating suspek at ‘yung kaniyang mga pinsan, dumaan itong si victim, naka-tricycle, nagpa-bomba na naman ng tambutso. Sabi nung salarin, hindi ko na mapapalampas ito kaya hinabol niya,” ayon kay Lieutenant Colonel Marlon Cabatana, hepe ng Tiaong Police Station.