Advertisers

Advertisers

WANTED NA PULIS NG MPD TIMBOG!

0 17

Advertisers

NADAKIP ng mga elemento ng Philippine National Police –Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang isang aktibong pulis na wanted sa isinagawang operation sa Manila.

Kinilala ang nadakip na si Corporal Mark Manuel Co, 40 anyos, nakatalaga sa Manila Police District (MPD).

Ayon kay Brigadier General Warren De Leon, direktor ng PNP-IMEG, inaresto si Co ng mga elemento ng IMEG-National Capital Region Field Unit sa Pritil PCP-1 sa N. Zamora corner Capulong St., Tondo, Manila.



Inaresto si Co sa bisa ng warrant of arrest sa kasong ‘Reckless Imprudence resulting to Homicide’ at ‘Physical Injuries’ na ipinalabas ng Manila Regional Trial Court, Branch 29 noong Sept. 15, 2023
“Panandalian mang nakakalaya ang mga iilang tiwaling pulis na may atraso sa batas, ang PNP-IMEG ay handang ipatupad ang mandato nitong habulin at panagutin sila sa batas,” saad ni De Leon. (Mark Obleada)