Advertisers

Advertisers

SMUGGLED RICE IPINAMAHAGI NI PBBM SA 4PS MEMBERS

0 14

Advertisers

BILANG pagtupad sa layunin ng pamahalaan na tugunan ang mga kakulangan at hamon sa sektor ng agrikultura, gayundin ang pagpapalakas ng seguridad sa pagkain, ipinagpatuloy ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng mga nakumpiskang smuggled rice sa mga benepisyaryo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Lungsod ng Maynila nitong Martes, Setyembre 26, 2023.

Nasa isang libong sako ng bigas ang ipinamahagi sa mga benepisyaryo ng 4Ps sa ilalim ng Level 1 (survival), Level 2 (subsistence) at Level 3 (self-sufficient). Ang mga sako na ito ay galing sa mga smuggled na bigas na nagkakahalaga ng P42 milyon na nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa warehouse raid nito sa Zamboanga City nitong Setyembre.

Nakasaad sa kamakailang mga ulat mula sa BOC na P31.5 bilyon na halaga ng smuggled goods ang na-forfeit sa kasalukuyan, sinasabing pinakamataas na naitala ng ahensya. Mula sa halagang ito, P3.3 bilyon ang naibilang bilang mga smuggled na produktong agrikultura.



Nananatiling walang humpay ang BOC sa pag-inspeksyon sa mga bodega na pinaghihinalaang nagho-hoard at nag-iimbak ng mga smuggled na bigas alinsunod sa Executive Order (EO) No. 39, ‘Pagpapataw ng Mandated Price Ceilings sa Bigas’.

Kasama ng Pangulo sa pamamahagi ng bigas si Manila Mayor honey Lacuna at iba pang opisyal ng gobyerno. (Vanz Fernandez)