Advertisers

Advertisers

Top 2 most wanted ng Samar, top 1 ng Calbayog City, arestado sa Valenzuela

0 58

Advertisers

Arestado ang ‘top 2 most wanted person’ ng lalawigan ng Samar, na tinagurian namang ‘top 1 most wanted person’ ng Calbayog City Police Station, sa Valenzuela City nitong Martes.

Kinilala ni PCol Salvador S. Destura Jr, hepe ng Valenzuela City Police Station, ang suspek na si Lemuelle Dacles, alyas ‘Noynoy’, 29, residente ng Sacred Heart Compound, Barangay Canumay West, Valenzuela City.

Ayon kay Col Destura Jr, inihain ng Valenzuela City Warrant and Subpoena Section (WSS) ang warrant of arrest laban kay Dacles habang ito ay nakakulong sa Valenzuela City jail.



Ayon sa ulat, nahuli si Dacles sa ikinasang buybust operation noong June 27, 2023 sa Santolan Service Road, Barangay Gen. T. De Leon. Narekober kay Dacles ang 9.27 gramo ng ‘shabu’ na nagkakahalaga ng P63,036.00.

Pahayag ni PLt Ronald Bautista hepe ng WSS, nang maaresto sa buybust operation si Dacles, nagsagawa ng beripikasyon ang kanilang grupo at napag-alamang pinaghahanap itao o ‘wanted’ sa nabanggit na lalawigan dahil naman sa kasong ‘eight counts’ ng ‘statutory rape’.

Inilabas ang warrant of arrest laban kay Dacles ng Calbayog City, Samar Regional Trial Court, Branch 31 noong December 3, 2021, ng walang inirekomendang piyansa.

Nakipag-ugnayan na ang Valenzuela City Police Station sa Calbayog City Police Station hinggil sa pagkakadakip ni Dacles. Mananatili ang huli sa Valenzuela City jail habang dinidinig ang kanyang kasong paglabag sa section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">