Advertisers
MAKAKAKUHA pa rin ng benepisyo ang mga miyembro ng Phil. Health Insurance Corp. o Philhealth.
Ito ang tiniyak ni Philhealth spokesperson Dr. Israel Pargas kahit pansamantalang naka-shutdown ang kanilang sistema matapos maapektuhan ng Medusa ransomware operation.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, inamin ni Pargas na medyo matatagalan nga lang ang proseso dahil balik-manual muna ang kanilang operasyon.
Kasabay nito, muli ring humingi ng paumanhin sa publiko ang pamunuan ng Philhealth sa abalang idinulot sa kanila ng ransomware attack. (Gilbert Perdez)