Advertisers

Advertisers

Lugi pa… biktima ng trafficking nagbayad ng P200K para makauwi

0 7

Advertisers

ISANG lalaking biktima ng trafficking ang napauwi nitong September 22 matapos na mapilitang magtrabaho bilang scammer sa isang Chinese company sa Myanmar.

Ang biktima na kinilalang lamang sa pangalang ‘Gio’, 33, ay umalis noong September 2022 kasama ang dalawa pang kaibigan at nagsabing magbabakasyon lamang sila sa Thailand.

Inamin ni Gio matapos itong mapauwi ng Pilipinas na siya ay na-recruit ng isang ‘Liza’ na kanyang nakilala lamang sa Facebook, para magtrabaho bilang customer service representative. Siya ay pinangakuan ng sweldong P100,000 kada isang buwan.
Siya ay pinagbayad din ng kanyang recruiter ng P20,000 para sa kanyang travel expenses, na kinaltas sa kanyang sweldo.



Nang dumating sa Thailand, siya ay inilipat sa Myawaddy, Myanmar na nasa timog silangang bahagi ng bansa at kadikit halos sa border ngThailand.

Si Gio ay napilitang magtrabaho bilang online love scammer at nang-aakit ng mga dayuhang biktima na mag- invest sa pseudo cryptocurrency accounts. Siya ay tumatanggap ng P60,000 sweldo kada isang buwan sa loob ng anim na buwan, ito ay malayo sa ipinangako sa kanyang sweldo ng kanyang recruiter.

Nagawa lamang ng biktima na makauwi pagkatapos na makalikom ng P200,000 mula sa pamilya at mga kaibigan para ibayad sa kanyang sa kumpanya at makaalis dito.

Sinabi ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na ang parehong modus ay naobserbahan na noon pang isang taon kung saan ang mga biktima ay pinapangakuan ng mas mataas na sweldo pero sa huli ay nababaon pa sa utang.

Noon pang October 2022, ay umalarma na si Tansingco tungkol sa modus na pumupuntirya sa mga Filipino na magtrabaho sa mga kumpanyang nag-o-operate ng online scams tulad ng catfishing.



“This is a case of double trafficking, wherein the victims are trafficked by making them agree through false promises, and then they will be forced to be part of a scamming syndicate making it hard for them to seek help and repatriation,” sabi ni Tansingco.

Ang biktima ay inalalayan ng mga opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). (JERRY S. TAN/ JOJO SADIWA)