Advertisers

Advertisers

UK sinigurong mabibigyan ang Pilipinas ng covid vaccine

0 245

Advertisers

Tiniyak ng United Kingdom na nakahanda silang bigyan ang Pilipinas ng kanilang dinidiskubreng bakuna sa COVID 19.

Ginawa ang pahayag ni Philippine Ambassador to United Kingdom Antonio Lagdameo sa gitna ng magandang itinatakbo sa progreso ng pagtuklas ng UK ng COVID vaccine. 



Sinabi ni Ambassador Lagdameo, nangako ang UK na magkakaroon sila ng allotment ng bakuna para sa mga maliliit na bansa tulad ng Pilipinas. 

Aniya may 48 million pounds ang pakakawalan nilang finances para sa mga may mababang income na mga bansa tulad ng Pipinas. Gayundin aniya na tatlong beses na nilang nakapulong ang ASEAN London Committee na si Minister of State Nigel Adams ng  Foreign Commonwealth and Development Office na may kinalaman sa tinutuklas nilang bakuna. 

Ayon pa aniya kay Minister Adams, maaring sa katapusan ng taon o sa first quarter ng 2021 ay may bakuna ng gawa ang UK. (Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">