Advertisers
BINATI ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Linggo si pole vaulter EJ Obiena sa pagsukbit ng kauna-unahang gintong medalya ng bansa sa nagpapatuloy na 19th Asian Games.
“Congratulations, EJ, on clinching our first gold in men’s pole vault at the 19th Asian Games!” Wika ni Marcos sa post sa X, dating tinatawag na Twitter.
Ang Filipino Olympian ay nangibabaw sa pole vault finals na inareglo ang 5.75 meter mark matapos ang dalawang attempts sa kumpetisyon na ginanap sa hangzhou, China.
Bago na-clear nya ang 5.90 meters sa isang attempt,para sa gold medal win.
Sinubukan ni Obiena na e-clear ang 6.02 meters pero nabigo itong gawin.
Bukod sa kanyang gold-clinching jump,pole vault world No.2 Obiena ay nalundag ang 5.55 meters ng isang beses.
Ang jump ni Obiena ang bumasag sa Asian Games Rekord na dating hawak ni Seito Yamamoto ng Japan na 5.70 meters.
Ang Filipino pole vaulter ang kasalukuyang may hawak sa Asian rekord na 6.0 meters.
Ipinarating rin ni Marcos ang kanyang well wishes sa iba pang atleta na sumasabak sa Asian Games.
“Kudos as well to Patrick King Perez, Jones Inso, Gideon Padua, Clemente Tabugara Jr., Alex Eala, at Francis Casey Alcantara para sa kanilang outstanding performances sa Taekwondo, Wushu, at Tennis! Best of luck to all our athletes.” anya.