Advertisers

Advertisers

2 patay sa sunog sa QC

0 33

Advertisers

NASAWI ang dalawa katao nang ma-trap sa nasusunog na bahay sa Barangay Greater Fairview, Quezon City, Miyerkoles ng umaga.



Sa ulat ni Fire Chief Inspector Marvin Mari, District 5 Commander Bureau of Fire Protection Quezon City, kinilala ang mga nasawi na sina Heart Angel Uy, 18 anyos, ng 3 Omega St., Barangay Greater Fairview; at isang family friend na nakikitira sa pamilya Uy na si Mark Anthony Baban, 40.

Kinilala ang mga sugatan na sina William Uy, 47, nagtamo ng multiple abrasions and puncture wound sa kaliwang hita; at Michelle Uy, 48, na nahihirapang huminga.

Sa report, 2:10 ng umaga, nakatanggap ng tawag ang QC Fire mula kay Michelle Uy, nanay ni Heart na nasusunog ang kanilang bahay.

Agad naman rumesponde ang mga bumbero at 2:51 ng umaga nang maapula ang apoy.

Sa mopping operation sa nasunog na bahay, natagpuan ang bangkay ng mga biktima sa ikalawang palapag.

Nabatid na nagsimula ang sunog sa unang palapag ng bahay sa hindi pa malamang kadahilanan.

Nasa kasarapan ang pagtulog ng pamilya Uy kabilang ang dalawang biktima na nasa ikalawang palapag nang magsimula ng sunog. (Almar Danguilan/Ernie dela Cruz)