Advertisers

Advertisers

BSKE candidates na posibleng maharap sa disqualification cases nadagdagan pa

0 3

Advertisers

TUMAAS pa ang bilang ng mga kandidatong posibleng maharap sa disqualification cases dahil sa maagang pangangampaniya.

Sa datos mula sa Commission on Elections (Comelec) nitong Oktubre 3, nasa 53 na ang petisyong naihain ng poll body para sa disqualification cases, 4,405 ang naisyuhan na ng show cause order, 865 na ang natanggap na tugon sa SCO habang ang posibleng bilang ng DQ cases sa naging initial assessment ay nasa 202.

Mayroon namang 287 complaints ang ibinasura dahil sa kawalan ng factual basis.



Nitong Martes, inisyuhan ng Comelec Anti-Epal Task Force ng 324 SCOs at naghain ng petisyon para sa diskwalipikasyon laban sa 18 kandidato.