Advertisers
BAGAMA’T binawi na ng pamahalaan ang “price cap” sa bigas, nilinaw ni Pangulo “Bongbong” Marcos na patuloy parin itong magkakaloob ng ayuda sa mga magsasaka.
Sa kanyang pahayag sa pamamahagi ng bigas sa Taguig City, sinabi ng Pangulo na kahit wala nang kontrol ang gobyerno sa presyo ng bigas ay kailangan paring ayusin ang sektor ng agrikultura.
“So, to do that, we have—we will continue the assistance that we have been giving to farmers, number one, also the assistance that we have been giving to those most under privileged families,” wika ng Presidente.
Una nang naglabas ng Executive Order 39 si PBBM kungsaan ipinako nito sa P41 ang presyo ng kada kilo ng regular-milled rice at P45 sa kada kilo ng well-milled rice.
Naging epektibo ang price cap noong Setyembre 5 na ikinasa ng pamahalaan bunsod ng pagsirit ng presyo ng bigas sa merkado.
Samantala, inamin ni PBBM na ang pagtaas ng presyo ng agricultural products ang sanhi ng double-digit na pagbagsak ng kanyang approval rating. (Gilbert Perdez)