Advertisers
NASABAT ng Philippine National Police–Drug Enforcement Group (PNP-DEG) ang may 700 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P4.7 billion sa Manila International Container Port (MICP) sa Maynila nitong Huwebes.
Ayon kay Colonel Jean Fajardo, hepe ng PNP Public Information Office, nakatangap ng impormasyon ang PNP-DEG kaugnay ng paparating na shipment sa MICP na naglalaman ng mga iligal na droga na magmumula sa bansang Mexico.
Sinabi ni Fajardo na ipinarating ang impormasyon sa Bureau of Customs at nag-match sa control number ship, at sa pagsasagawa ng inspection ay tumambad ang illegal droga.
Sa pagsusuri at inventory ng mga otoridad, umabot na sa 100 kahon ang nabuksan ng mga otoridad at umabot na sa mahigit-kumulang sa 700 kilos ng shabu ang naitala.
Nagpapapatuloy pa ang inventory ng mga otoridad dahil marami pang mga kahon ang kailangan masuri kaya posibleng madagdagan pa ang mga nasamsam na iligal na droga.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy kung ang nasabing mga iligal na droga ay mayroon kaunayan sa nasamsam ng bilyong halaga ng droga sa Subic Free Port nitong nagdaan Linggo.(Mark Obleada)