Advertisers

Advertisers

3 Pakistani na may kaugnayan sa local terrorist group, naaresto sa Mindanao

0 13

Advertisers

NAARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang 3 Pakistan nationals na may kaugnayan umano sa isang local terrorist group.

Nadakip sa Purok Durian, Barangay Pinig Libano, Dumalinao, Zamboanga del Sur nitong October 3 ang Pakistani na si Faizan Muhammad alias Faizan Khan, 34, dahil sa paglabag sa kundisyon ng kanilang pamamalagi sa bansa at sa pagiging undocumented alien.

Si Muhammad, kasama ang isa pang Ali Wahab, ay inireklamo ng isang Filipina na may utang sa kanya sa loob ng halos isang taon. Sinasabi pa sa reklamo na si Muhammad ay nagtataglay ng expired travel document at overstaying na sa bansa simula pa noong 2015.



Ang dalawa ay iniulat hina-harassed ang pamilya ng complainant at pinagbantaan pa itong papatayin dahil suportado sila ng teroristang grupo.

Nang makumpirma ang status na mga ito, agad na nagpalabas ng mission order si BI Commissioner Norman Tansingco upang arestuhin si Muhammad. Nang arestuhin si Muhammad, wala itong maipakitang passport, pero nagpakita ito ng Philippine National ID sa kabila na siya ay isang dayuhan.

Ang kanyang mga kasabwat na sina Ali Wahab, 36, ay natunton at naaresto sa Barangay Banago, Balabagan, Lanao del Sur. Si Ali ay natagpuan na may kasama pang Pakistani na kinilalang si Ajmal Ali, 35. Ang dalawa ay nabatid na parehong overstaying at undocumented, sinasabi rin sa report na si Ali ay supplier ng mga materyales para sa isang local extremist group sa Central Mindanao.

Si Ali ay nagpakita rin Philippine driver’s license at nagsasabi na siya ay Filipino. Kapwa bigo naman ang dalawa na magpakita ng kanilang travel documents.

Ang tatlo ay agad na inaresto at nahaharap sa paglabag sa Philippine immigration act of 1940. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)