Advertisers
MAHIGPIT na nakikipag-ugnayan ang pamahalaan sa Philippine Embassy sa Tel Aviv at Migrant Workers Office (MWO) sa Israel kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), ito’y upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipino matapos ang sorpresang pag-atake ng Hamas militants na ikinasawi ng mahigit dalawang daang mamamayan sa Israel.
Nabatid na inatasan ni PBBM ang DMW at ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na tuntunin at alamin ang kalagayan ng lahat ng overseas Filipino workers (OFWs) at kani-kanilang pamilya sa nasabing bansa.
Kasabay nito, nagbukas na rin ng hotline at Viber at WhatsApp hotline numbers ang DMW kung saan maaari itong tumanggap ng tawag o katanungan mula sa mga OFWs at Filipino community na nangangailangan ng tulong ng gobyerno. (Gilbert Perdez)