Advertisers
Nasawi ang isang pugante nang makipagbarilan sa mga otoridad sa Barangay Ditumabo, San Luis, Aurora.
Ayon sa San Luis Police Station (SLPS), kinilala ang nasawi na si Godwindel Sardea, 25, ng Barangay Nonong Sr., San Luis, ng nasabing bayan.
Sa record, ayon kay Aurora Police Provincial Office information officer P/Maj Donnafe Galban, nakulong si Sardea sa Aurora Provincial Jail sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002 at Republic 10591 o Comprehensive Firearm and Ammunition Regulation Act
Ayon sa opisyal, natunton ang kanyang kinaroroonan sa Ditumabo, San Luis. Sinubukan itong pasukuin ng pulisya subali’t nanlaban ito at pinaputukan ang mga operatiba gamit ang kanyang .45 pistol.
Dito, gumanti ang nagrespondeng mga pulis at tinamaan ang suspek na ikinamatay nito.