Advertisers

Advertisers

Caloocan kinilala ng DILG bilang ‘Local Peace and Order Council’ na tatanggap ng 100 percent audit rating

0 9

Advertisers

Muling kinilala ng Department of the Interior and Local Government – National Capital Region (DILG- NCR) ang City Government of Caloocan sa pamamagitan ng resulta ng 2022 Peace and Order Council Performance Audit kung saan nakatanggap ang lungsod ng 100 percent audit rating.

Ang Peace and Order Council (POC) ng lungsod ay inilarawan ng DILG-NCR bilang “highly functional” dahil sa kanilang outstanding performance at pare-parehong inobasyon sa pagtupad sa responsibilidad nitong lumikha ng mapayapa at ligtas na mga komunidad.

Nagpahayag ng pasasalamat si City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan sa DILG sa kanilang mahahalagang rekomendasyon at binati ang POC sa kanilang mahusay na pagsisikap.



“Nagpapasalamat po tayo sa DILG sa panibagong pagkilala na iginawad sa ating lungsod. Siyempre, hindi natin ito makakamit kung hindi dahil sa mahusay at walang sawang pagkilos ng POC upang tulungan tayong gawing ligtas at payapa ang ating lungsod,” wika ni Mayor Malapitan.

Iginiit din ni Mayor Along ang kanyang paalala na habang ang mga pagkilala mula sa mga pambansang ahensya ay nagpapakita ng bisa ng mga programa ng pamahalaang lungsod, ang kanyang administrasyon ay mananatiling nakatuon at mapagbantay sa pagprotekta sa mga karapatan at interes ng mga residente ng lungsod.

“Ngayong taon po, maraming beses nang kinilala ng iba’t ibang kagawaran mula sa pamahalaang nasyonal ang mga programa ng pamahalaang lungsod, ngunit hindi po ibig sabihin nito na tapos na ang ating mga gawain at responsibilidad,” wika ni Mayor Along.

“Patuloy po tayong mag-isip ng mga karagdagang hakbang at mas palalakasin pa ang mga existing programs nang sa gayon ay talagang masiguro natin na maayos, payapa, at ligtas ang pamumuhay ng mga Batang Kankaloo,” pahayag ni Malapitan.(BR)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">