Advertisers

Advertisers

P6.8m shabu nasabat sa 2 tulak sa parking lot ng mall

0 291

Advertisers

TINATAYANG nasa P6,8 million halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency IV-A Regional Special Enforcement Team, PDEA Investigation and Intelligence Service (IIS), at Marilao pulis sa parking lot ng isang mall sa Marilao, Bulacan nitong Sabado.
Kinilala ni Police BGen.Val De Leon ang naaresto na sina Yasher Corot Mamowalas at Ansano Rakiin Domagay, kapwa kabilang sa drug watchlist ng PDEA.
Sa report, ikinasa ang operasyon 4:20 ng hapon sa open parking lot ng mall sakop ng Barangay MoIbayo.
Nakuha sa dalawa ang isang bulk transparent plastic na binalutan ng tape na aabot sa timbang na 1,000 grams at may estimated value na P6,8 million.
(Thony D, Arcenal)