Advertisers
PINAGHAHANAP ng kanyang mga kabaro ang isang pulis na bumaril-patay sa kanyang kapitbahay dahil sa away sa lupa.
Kinilala ang salarin na si Patrolman Mamerto Arellano, 34, miyembro ng Negros Provincial Mobile Force Company sa Negros Occidental; habang ang biktima ay kinilalang si Renato Pampag, 43, kapwa residente ng Barangay Sagrada Famillia, Dumarao, Capiz.
Sa report, naganap ang krimen Oktubre 3, 2020 nang magkasalubong at magkainitan ang biktima at salarin sa daan dahil sa awayan sa lupa.
Bigla na lamang umanong tinaga ng biktima ang pulis na mabilis na nakailag at nakabunot ng kanyang cal. 9mm pistol at pinagbabaril si Pampag.
Matapos ang krimen, mabilis na tumakas si Arellano. Hindi pa ito sumusuko hanggang ngayon.(PFT team)