Advertisers

Advertisers

‘Walang confi funds ang Senado’

0 5

Advertisers

TINAWAG na “fake news” ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang kumakalat na ulat na may “confidential fund” ang Senado.

“Walang confi funds ang Senado during my term. I don’t want it and I don’t need it!” ani Zubiri sa kanyang Facebook post.

Kaugnay nito, nilinaw din ng liderato ng Senado na wala silang P331 milyong confidential and intelligence funds (CIF) ngayong taon 2023.



Para sa taon 2023, ang mayroon lang ang Senado ay Extraordinary and Miscellaneous Expenses (EME) na pondo na P331.942 milyon.

Sa inilabas na pahayag ng Senado sa pamamagitan ni Senate Secretary Renato Bantug Jr., ang kumalat na social media post ay misleading at malisyoso mula sa ilang personalidad na ang gusto ay sirain ang reputasyon ng Senado na siyang bumubusisi ngayon sa mga confidential at intelligence fund (CIF) ng ilang mga ahensya ng gobyerno.

“These social media posts are deliberately misleading and maliciously presented by some personalities who seek to malign and tarnish the reputation of the institution currently taking a long, hard look at the nature of CIFs and the government agencies that deserve to have them,” ang pahayag ng Senado.

Makikita aniya sa record na sa ilalim ng maintenance and other operating expenses (MOOE), nakalagay dito ang “Confidential, Intelligence, and Extraordinary Expenses” at ito ay mayroong tatlong line items ito ay ang confidential funds; intelligence funds at extraordinary and miscellaneous expenses.

Gayunman, sa mga nagdaang liderato ng Senado ay nagkaroon ng alokasyon para sa confidential funds kabilang dito ang P100 milyon noong 2020; P100 milyon noong 2021; at P50 milyon noong 2022 ngunit hindi naman nagamit at ibinalik din ng buo sa National Treasury.



Subalit sa ilalim umano ngayon ng liderato ni Senate President Juan Miguel Zubiri ay walang ganitong pondo kahit pa sa susunod na taon dahil naniniwala siyang hindi ito kailangan ng Senado at ang CIF ay para dapat sa militar, pulis at iba pang uniformed personnel na may kinalaman sa internal at external security threats. (Mylene Alfonso)