Advertisers

Advertisers

PAMILYA NG 2 NASAWI SA ISRAEL WAR NAKAUSAP NI MARCOS

0 7

Advertisers

NAGPAHAYAG ng kanyang pakikiramay at simpatiya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kaanak ng dalawang Pilipinong nasawi sa Israel, kasabay ng pangakong tulong mula sa gobyerno.

“Mahirap itong nangyari sa ’yo. Lahat ng assistance na kailangan mo gagawin ng gobyerno. Lahat … Pati ‘yung pagbalik sa bangkay… at pagka magkaroon ng chance, magulo pa rin kasi at nagbobombahan pa…” sabi ni Pangulong Marcos sa isang tawag telepono sa isa sa mga kamag-anak ng mga biktima noong Miyerkules ng gabi.

Nakausap ng Pangulo ang mga kamag-anak sa gitna ng kumpirmasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dalawang Pilipino ang namatay sa pagsalakay ng mga miyembro ng Hamas noong Sabado sa Southern Israel na kalapit ng Gaza.



“Asahan mo. Basta’t ‘yung government nandiyan, will be — tutulungan ka. Lahat ng kailangan na nga ninyo, ‘yung family mo pati, pati ‘yung assstance para pagpunta rito at lahat ‘nung financial assistance na binibigay talaga natin para ‘yung mga nabawian ng buhay na OFW,” sabi ng Pangulo sa mga kamag-anak na nagdadalamhati.

Kasabay nito, hinimok ni Marcos ang mga ito na makipag-ugnayan nang regular sa embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv para sa mga update sa sitwasyon doon.

Inamin ni Marcos na ang pakikipag-usap sa mga kamag-anak na nagdadalamhati ang isa sa mga pinakamahirap na gawin. “Last (Wednesday) night, I made two of the most difficult phone calls I’ve had to make as President. The nation is one in grieving with the families of the Filipinos who were killed in the attacks on Israel,” wika ni PBBM.

“We will provide the utmost support to the families they were taken from. This tragedy will not deter our spirit. We will continue to stand for peace,” dagdag ng Presidente.

Nangako rin si Marcos na gagawin ng gobyerno ang lahat para tiyakin ang kapakanan at kabutihan ng mga Pilipino sa Israel sa gitna ng patuloy na bakbakan, pati na rin sa repatriation ng mga nais umuwi.



“Iyong Tel Aviv naman, bukas pa baka sakaling puwede tayong — may magawa tayo doon sa Tel Aviv airport, bukas pa. Baka magpalipad tayo ng eroplano. Maaari ka nang sumama,” sabi ni Marcos sa panayam sa telepono.

“Pero, inaantay namin ‘yung permiso ng Israeli (government), dahil ‘yung Israeli ang magsasabi sa amin kung kailan puwede ng magpalipad para sunduin ang mga Pilpino. Iyon ang inaayos namin ngayon. Asahan mo. Basta’t gagawin namin ang lahat. Gagawin namin ang lahat at sa lalong madaling panahon.”

Matatandaan na nitong Huwebes, inilarawan ng Konsulado ng Pilipinas ang isa sa mga biktima bilang 33-anyos na may-asawang babae mula sa Pangasinan na anim na taon nang nagtatrabaho sa Israel. Ang isa pang biktima naman ay 42-anyos na lalaki mula sa Pampanga.

Sinabi naman ni Col. Medel Aguilar, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP), sa press briefing sa Palasyo na nakalatag na ang isang plano, kung saan kasama ang pagpapadala ng militar ng mga eroplano tulad ng C-130 at C-295 sakaling kailanganin ang tulong ng sandatahang lakas. (Gilbert Perdez)