Advertisers
TINIYAK ng Malakanyang na mananatiling matatag ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Rolly.
Inihayag ito ng Malakanyang sa ginanap na press briefing nitong Linggo, Nobyembre 1, kasama ang iba pang mga kinauukulang opisyal ng pamahaaan bilang paghahanda sa epekto ng bagyo.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, batay sa ulat ng Department of Trade and Industry, walang magiging paggalaw sa presyo ng mga basic necessities at commodities.
Habang matatag din ang suplay ng mga ito.
Pagtitiyak pa ni Roque, mahigpit na binabantayan ng DTI ang presyuhan sa merkado at kung nasusunod ang mga itinakdang SRP o suggested retail price ng mga pangunahing bilihin.
Nanawagan din si Roque sa mga negosyante na huwag samantalahin ang sitwasyon at pairalin ang Bayanihan. (Vanz Fernandez)