Advertisers

Advertisers

Red Lions pinasabog ang Heavy Bombers

0 6

Advertisers

UMISKOR si Jacob Corteza ng game-high 24 points, kabilang ang anim na triples, para itakas ng San Beda University ang 74-70, wagi laban sa Jose Rizal University (JRU) sa National Collegiate Athletic Association Season 99 men’s basketball sa FilOil Arena sa San Juan City.

Humatak rin si Corteza ng 5 rebounds, four steals at two assists para sa Red Lions, para makisalo sa Emilio Aguinaldo College Generals sa third place na may apat na panalo at dalawang talo.

Peter Alfaro nag-ambag ng 12 points, tampok ang 3 triples, habang si jomel Puno nagdagdag ng nine points,12 rebounds at three assists para sa San Beda.



Shawn Agente pinamunuan ang JRU sa iniskor na 14 points sinundan ni Dionisio (13),JL Delos Santos (12)