Advertisers

Advertisers

GRADUATING CRIM STUDENT NA NAMATAY SA HAZING, 60 BESES PINALO

0 32

Advertisers

ANIMNAPUNG beses pinalo ng paddle sa loob ng dalawang oras ang graduating Criminology student ng Philippine College of Criminology (PCCR) na si Ahldryn Lery Chua Bravante, 25 anyos, ng mga miyembro ng sinamahang Tau Gamma Phi Fraternity na nagresulta sa pagkamatay nito.

Nitong Miyerkules, personal na nagtungo sa PCCR si Quezon City Police District (QCPD) Director Brigadier General Redrico Maranan, at sinabing nasa 10 estudyante ng unibersidad ang kanilang natukoy na sangkot sa initiation rites ni Bravante na isinagawa sa isang abandonadong gusali ng STEPS Condominium sa Calamba St., Brgy. Sto Domingo, Quezon City.

Sinasabing nasa 20 estudyante ng PCCR ang kasama sa initiation rites.

Sa ngayon, ang mga suspek na sina Justine Cantillo Artates, 20 anyos; Kyle Michael Cordeta de Castro, 21; Lexe Angelo Diala Manarpies, 20; at Mark Leo Domecillo Andales, 20, ang nasa kustodiya ng QCPD-Criminal Investigation ang Detection Unit (QCPD-CIDU).

Sinampahan na ang mga ito ng kasong paglabag sa RA 11053, Anti Hazing Act of 20018.

Sinabi ni Maranan na bagama’t dalawa sa apat na suspek ang nagbigay ng extrajudicial confession, mananatili paring suspek ang mga ito dahil nakasalalay sa korte kung aaprubahan ang kanilang mosyon upang maging ‘state witness’.

Ayon kay Maranan, puspusan ang ginagawang paghahanap sa paddle na inulat na itinapon sa isang ilog dahil nais nilang malaman kung totoo ang pahayag ng mga naarestong suspek na itinapon ang ginamit na kahoy.

Sa ngayon, aniya, nagsasagawa sila ng backtracking sa kuha ng CCTV sa pinangyarihan ng initiation rites.

Binigyan diin naman ni QCPD-CIDU chief Major DonDon Lapitan, lumilitaw sa kanilang imbestigasyon na boluntaryo at mag-isa lamang na sumailalim sa initation rites ng Tau Gamma Phi Fraternity si Bravante. (Almar Danguilan/Ernie dela Cruz)