Advertisers
NASAWI ang isang misis nang tagain sa leeg ng mister sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Nabuyukan, Barangay Gangan, San Mariano, Isabela.
Kinilala ng San Mariano Police Station (SMPS) ang biktima na si Lourdes Languido, 51 anyos; habang ang salarin na kanyang mister ay nakilalang si Rolimo Languido, 52, magsasaka, ng nasabing barangay.
Ayon kay SMPS deputy commander P/Capt. Julius Telan, bago ang krimen, uminom ang mister sa labas bago umuwi sa kanilang bahay.
Sinabi ng opisyal, na pag-uwi ni Rolimo ay nag-away sila ng kanyang misis dahil sa selos hanggang sa tinaga nito ang huli sa leeg, sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.
Tumakas si Rolimo nguni’t ilang oras lang ay naaresto ito ng mga pulis at barangay officials sa ‘di kalayuan sa kanilang bahay.