Advertisers
MAKALIPAS ang isang araw ng paghahanap sa nawawalang menor de edad, natagpuan ang katawan ng 13-anyos na dalagita, nakagapos ang mga kamay, sa Purok 3 Barangay San Pedro Bustos, Bulacan nitong Martes, Oktubre 17, 2023.
Sa report ni Major Michael Santos kay PNP Regional Director, Brigadier General Jose Hidalgo Jr., kinilala ang biktima na si alyas Sheila Mae, Grade 7 student, ng Brgy. Poblacion; habang nadakip naman ang salarin na si Marlon Meliton, 36, junkshop helper, ng Brgy, San Pedro sa nabangit na bayan.
Ayon kay Cpt. Gerardo Espiritu, sa kanilang follow up, nakita nila ang bangkay na hubot-hubad na katawan ng dalagita na nakatali ang mga kamay.
Huling nakitang buhay ang dalagita Oktubre 15, 7:00 ng umaga na kasamang naglalakad si alyas Marlon, sa Dike sakop ng ilog ng Angat. Mula noon hindi na nakita pa ang dalagita
Nakakulong na ang salarin sa Bustos Municipal Jail at nahaharap sa Rape with Homicide. (Thony D. Arcenal)