Advertisers
TINUKOY na ang ikaapat na Pinoy na nasawi sa labanan sa Israel.
Isang caregiver mula Iloilo ang pang-apat na Filipino na nasawi sa labanan ng Israel at Hamas.
Ang biktima ay kinilalang si Grace Prodigo Cabrera.
Naunang kinumpirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo nitong Huwebes na may ikaapat na Filipino na nasawi sa bakbakan ng Israel at Hamas.
Nakilala si Cabrera sa pamamagitan ng kanyang fingerprints. Wala pang ideya ang pamilya nito kung paano ito namatay at kung paano natagpuan.
Kabilang si Cabrera sa tatlong Pinoy na unang iniulat na nawawala October 7 nang sumalakay ang militanteng Hamas sa Israel.