Advertisers

Advertisers

Order ng Pangasinan PNP at ni Col. Maranan sa kanilang field units, incredible!

0 408

Advertisers

Nakakamangha naman as in “INCREDIBLE” ang “marching order” nitong si Pangasinan Police Acting Director, PCOL REDERICO A MARANAN sa kanyang mga opisyal on the ground na magsumite ng accomplishment report sa mga huli ng kanilang tanggapan patungkol sa illegal dugs.

Ito ay tuwing gaganapin ang kanilang routine schedule ng OPLAN SACLEO every week.

What the heck Col. Maranan sir?



Paano na ang mga siyudad, bayan at mga barangays sa Pangasina na 100% drug-free na at nalinis na completely mula sa mga drug pushers at users sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ni Governor Amado Espino Jr.?

Ang OPLAN SACLEO po para sa impormasyon ng publiko ay ang “Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operation” ng kapulisan na may pangunahing layon o misyon na paigtingin on a regular basis ang kanilang anti-criminality at anti-illegal drugs operation.

Again, FOI Col. Maranan sir, ito pong OPLAN SACLEO ay designed o idinesenyo ng pambansang kapulisan para sa isang “honest to good intensified campaign” laban sa lahat ng uri ng criminal activities.

Uulitin ko po Col. Maranan sir, isang “HONEST TO GOODNESS” police operations para paigtingin ang aktibidad laban sa lahat ng uri ng kriminalidad.

Hindi po ito OPLAN PAGPAPAPOGI o yaong tinatawag na for PR at media milage purposes para mapaganda at maisulong ang imahe ng institusyon ng PNP o pangalan ng isang ambisyosong police officer to the extent na utusan nito ang kanyang mga subordinates na sapilitang magsumite ng kani-kanilang accomplishment reports sa anti-illegal drugs operations kahit negatibo sa presensiya ng mga pushers at users ang isang AOR!



Short to say Col. Maranan diretsahan na po tayo, na tila gusto ninyong “mag-magic” o gumawa ng “milagro” ang inyong mga kapulisan diyan sa lalawigan ni Gov. Espino!

Paano kung walang huli dahil “negative” na nga ang kanilang AOR sa mga pushers at users” ng iligal na droga?

Magtatanim po ba sila ng PALAY at gagawin nating Plantito at Plantita ang ating mga pulis diyan sa Pangasinan?

Kaya nga idinideklarang DRUG-FREE ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan ang isang siyudad, bayan o barangay diyan sa nasabing probinsiya ay dahil ganap nang nalinis ang salot na droga sa isang pamayanang binansagang DRUG-FREE!

Pipilitin ng kapulisan natin na sundin ang marching order mo Col. Maranan sir?

Failure to comply to your order Col. Maranan will mean, masisibak sila sa kanilang puwesto?

‘Yun ba ang gusto mong mangyari Col. Maranan sir?

‘Yan din ba ang naging istilo mo noong nasa Marikina City ka pa at City Police Director ng nasabing siyudad!

No wonder, kaya di kayo in good terms ni Mayor Marcy Teodoro hehehe!

Sana ‘wag mong gamitin ang isyu sa illegal drugs para masibak mo ang mga kasalukuyang opisyal ng kapulisan diyan sa mga siyudad at bayan ng Pangasinan.

BULLSHIT JUSTIFICATION!

May ugong na kasi na nais mong mga graduates lamang ng Philippine National Police Academy (PNPA) ang mga mapupuwestong opisyal gaya ng city director at chief of police sa probinsiya ng Pangasinan.

Ano ba ang nabubukod na katangian o kalamangan ng mga pulis na graduate ng PNPA sa mga pulis na tinaguriang “rose from the ranks” Col. Maranan sir?

Kung ito ang iyong magiging pamantayan o basehan sa paghirang o pagpili ng iyong pagkakatiwalaang opisyal ng kapulisan mo diyan sa iyong command, is’nt it INCREDIBLE and so UNFAIR?

Magdudulot ito ng direktang demoralisasyon sa iba pang deserving officers ng Pangasinan PNP na ang pangunahing maaapektuhan at masasaktan ay ang mamamayang umaasa sa mabubuting pulis natin.

In this particular case, mga kababayan nating Pangasinenses.

May kasunod…

ABANGAN!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com