Advertisers

Advertisers

PH, CZECH SANIB-PWERSA SA PAGPAPALAKAS NG DEFENSE CAPABILITY

0 4

Advertisers

HANDANG makipagtulungan sa Pilipinas ang Czech Republic sa hanay ng depensa, agrikultura, at iba pang usapin.

Ang pahayag ay ginawa ni Czech Republic Ambassador to the Philippines Karel Hejc? matapos itong mag-courtesy call at magpresentra ng credentials kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang.

Nangyari ito sa harap ng tumitinding tensiyon sa West Philippine Sea (WPS).



Sa katunayan, sinabi ng envoy na magpapadala ng trade missions sa bansa ang Czech, maliban sa high-ranking government officials.

“The opportunities are here. We just need to grab them and I’m pleased to mention that just in the next year, we will start here with the visit of the foreign committee of our parliament on so much important defense and security issues of the regional geopolitics,” ani Hejc?.

Bukod sa small tractors para sa agrikultura, ibinida naman ni Hejc? ang kakayayhan ng kanilang bansa sa paggawa ng fighter jets, airplanes, mga kagamitang pandigma, armas at mga bala.

Samantala, sinabihan naman ni Pangulong Marcos ang Czech envoy na prayoridad ng kanyang admninistrasyon ang agrikultura at iba pang usapin na lalo pang magpapaangat sa ekonomiya ng bansa.

Matatandaang pormal na nabuo ang diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at Czech Republic noong October 5, 1973. (Gilbert Perdez)