Advertisers

Advertisers

Korean drug smuggler, naaresto ng BI agents sa Cebu City

0 17

Advertisers

NAARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) nitong Martes ang isang South Korean na wanted sa kanilang bansa dahil sa umano’y miyembro ng big-time drug syndicate na nang-i- smuggle ng illegal drugs sa Korea mula sa Pilipinas.

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na ang 56-anyos na si Choi Sun Hyeok ay naaresto sa kanyang tirahan sa Bgy. Lahug, Cebu City ng mga elemento ng fugitive search unit (FSU) ng BI sa pamumuno ni chief Rendel Ryan Sy.

Sinabi ni Tansingco ang mga FSU operatives ay armado ng warrant of deportation na kanyang ipinalabas alinsunod sa summary deportation order ng BI board of commissioners na ipinalabas laban sa pugante noong 2017.



“He will thus be immediately deported to Seoul after we have secured the necessary clearances for his departure,” dagdag pa ng BI chief.

Inilarawan niya si Choi bilang high profile fugitive at pinaniniwalaang miyembro ng tinatawag na MS Alliance syndicate na gumagawa ng illicit transport of narcotics sa Korea.

Ang Interpol ay naglabas ng red notice para sa kanyang pagkakaaresto ngayong taon matapos na makumpirma na siya ay nasa Pilipinas.

Ayon sa Interpol’s national central bureau (NCB) sa Manila, si Choi ay may arrest warrant na inilabas ng Changwon district court sa Korea kung saan paglabag sa kanilang bansa ng narcotics control act.

Napag-alaman sa mga imbestigador na nitong taon pa lang ang mga kasabwat ni Choi sa sindikato ay nakapag-smuggle na sa Korea ng mahigit na 265 gramo ng methamphetamine na nakatago sa kanilang underwear.



Nabatid na ang passport ni Choi, na dadalhin sa BI detention facility sa Taguig City, ay na-revoked na ng Korean government, thus making him an undocumented alien.

Isinama na rin ang pangalan niya sa His blacklist ng BI para hindi na siya makapasok muli ng Pilipinas. (JERRY S. TAN)