Advertisers

Advertisers

Brgy. Captain, pulis, 10 pa kinasuhan na sa pagpatay sa 2 BSKE bets sa Cotabato

0 4

Advertisers

NAGHAIN na ng patong-patong na kasong murder at frustrated murder ang pulisya sa city prosecutor’s office nitong Miyerkules, Oktubre 25, laban sa kapitan ng barangay, pulis at 10 iba pa sa pagpatay sa tatlong indibidwal sa Cotabato City.



Kabilang sa napatay ang dalawang kandidato at isang taga-suporta.

Ayon kay Capt. Jemu Ramolete, hepe ng Cotabato City Police Station 1, ang mga kinasuhan ay sina Juhalidin Ladesla Abdul, kandidato sa pagka-kapitan ng barangay, at Master Sgt. Pauti Dianal Mamalapat ng Maguindanao del Sur police office, kapwa residente ng Barangay Rosary Height 12.

Kinasuhan din sa paglabag sa election gun ban ang 10 iba pang kaanak at taga-suporta ni Abdul. Anim sa mga naaresto ay mula sa Guindulungan, Maguindanao del Sur, habang ang apat iba pa ay residente ng lungsod.

Nakuha mula sa mga salarin ang M16 rifle, 2 handguns at ammunitions.

Dagdag naman ni Col. Querubin Manalang, city police director, ang mga salarin ay inaresto kasunod ng pagpatay kay Nur Moqtadin Butucan at Alfar Ayunan Pasawilan, kapwa kandidato sa barangay elections, at taga-suporta nito na si Faizal Abas, also from Kalanganan 2, Lunes ng gabi.

Nasaktan din sa pag-atake si Saipol Sapalon at Fayed Daud, kapwa residente ng Barangay Kalanganan 2.

Sa inisyal na imbestigasyon, ayon kay Brig. Gen. Allan Nobleza, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao police director, nangyari ang pamamaril habang nagkakabit ng campaign posters ang mga biktima sa Barangay RH-12.