Advertisers

Advertisers

136 Pinoy sa Gaza nasa ligtas na kalagayan – envoy

0 3

Advertisers

INIHAYAG ni Philippine Ambassador to Jordan Wilfredo Santos na ang 136 na mga Pilipino sa Gaza na naapektuhan ng digmaan sa pagitan ng Israel at ng grupong Hamas ay nanatiling ligtas.

Ito ay habang hinihintay nila ang kanilang pagpapauwi sa Pilipinas.

Ayon kay Santos, ang mga Pilipinong ito ay stranded pa rin sa Gaza habang hinihintay ang pagbubukas ng Rafah Border Crossing para sa mga evacuees.



Ang Rafah ang pangunahing ruta papasok at palabas ng Gaza Strip na hindi kontrolado ng Israel.

Aniya, umaasa sila na sa lalong madaling panahon ay makakauwi na ang mga Pinoy kasunod ng nalalapit na pagbubukas ng nasabing border.

Nauna nang itinaas ng Pilipinas ang Alert Level 4 sa Gaza City, ibig sabihin, mandatory ang paglikas para sa mga Pilipino doon.